Bilang ng mga pamilyang Pinoy na nagsabing mahirap sila, bumaba – SWS

By Rhommel Balasbas April 27, 2018 - 04:16 AM

Bumaba ang bilang ng mga pamilyang Filipino na nagsasabing mahirap sila base sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa survey na isinagawa noong March 23 hanggang 27, 42 percent o 9.8 milyong pamilyang Filipino ang nagsabing ikinokonsidera nila ang sarili na mahirap, mas mababa ito sa 44 percent o 10 milyong pamilyang Filipino na naitala sa huling quarter ng 2017.

Ito ang pinakamababa na naitala simula noong September 2016 na umabot din sa 42 percent.

Samantala, 29 porsyento naman o 6.7 milyong pamilyang Filipino ang nasabing sila ay “food poor” o salat sila sa pagkain mula sa 32 percent o 7.3 milyong pamilyang Filipino noong December 2017.

Ayon sa SWS, ito ang kauna-unahang pagkakataon na mas mababa sa 30 percent ang Self-Rated Food Poverty.

Isinagawa ang face-to-face interviews sa 1,200 na respondents sa buong bansa sa kasagsagan ng isyu sa pagpapasara sa isla ng Boracay at impeachment complaint laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

May ±3% na margin of error ang nasabing survey.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.