Serbisyong medikal sa Pilipinas, mas pagbubutihin na ng pamahalaan

 

Inquirer file photo

Nangako ang Malacañang na gagawin ng gobyerno ang lahat ng makakaya nito para mas mapabuti ang serbisyong pangkalusugan sa bansa.

Ito ay matapos mabansagang “worst place to die” sa buong mundo ang Pilipinas sa 2015 Quality of Death study index dahil sa kakulangan nito ng stratehiya na mas mapabuti ang buhay at kalusugan ng mga pasyente.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, mayroon naman nang mga programa ang pamahalaan na nagsusulong na pagandahin ang serbisyong medikal sa bansa, at para makamit rin ang universal health care.

Ani Valte, sinusulong rin ng pamahalaan na mas mapalawig pa ang dami ng mga mamamayang sakop ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) pati na rin ang dami ng sakit o karamdamang maaaring lunasan sa tulong nito.

Dagdag pa niya, mayroon na ring Z benefits package ang PhilHealth para sa mga laganap na sakit.

Pinagaganda na rin aniya ng gobyerno ang mga pampublikong ospital at mga health centers upang mas maraming tao ang mabigyan nito ng mas maiging serbisyong medikal.

Read more...