Palasyo hinikayat ang mga bagong abogado na magtrabaho sa pamahalaan

Nagpahayag ng pagbati ang Palasyo ng Malacañang sa mga nagsipagtapos ng abogasya na nakapasa sa 2017 bar exams.

Sa pulong balitaan sa Malacañang, binati ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang bar passers ngayong taon at hiling naman ay good luck sa mga sasalang para sa edisyon ng pagsusulit ngayong taon.

Gayunman, may hiling din ang palasyo sa mga bar passers.

Umaasa si Roque na ang mga bagong abogado ay magtatrabaho sa gobyerno upang makibahagi sa layunin ng gobyerno na makapagpatupad ng mga makabuluhang reporma sa bansa.

Iginiit ng kalihim na ‘welcome’ ang mga nakapasa sa bar sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Matatandaang kahapon ay inilabas na ng Supreme Court ang listahan ng mga nakapasa sa bar na umabot sa 1,724 o 25.5 percent ng kabuuang 6,750 na nakakumpleto ng pagsusulit.

Nanguna rito si Mark John Simondo ng University of St. La Salle ng Bacolod City na nakakuha ng 91.05 percent.

Read more...