NHA ipatatawag ng mga mambabatas dahil sa substandard housing

By Len Montaño April 27, 2018 - 02:10 AM

Ipapatawag ng mga mambabatas ang mga kinatawan ng National Housing Authority (NHA), contractor nito, at ibang kaukulang ahensya kaugnay ng umano’y substandard na paggawa ng pabahay para sa mga biktima ng Zamboanga siege noong 2013.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Zamboanga Representative Celso Lobregat na nagpasalamat siya dahil ligtas sila matapos bumigay ang kahoy na tulay at mahulog sila sa bahagi ng dagat sa Barangay Riohondo.

Nag-iinspeksyon ng NHA housing project sina Lobregat, Negros Representative Albee Benitez, at Zamboanga City Mayor Beng Climaco nang bumigay ang tulay na kanilang nilalakaran.

Wala namang nasaktan sa grupo pero dumiretso sila sa maputik at maduming bahagi ng dagat.

Dahil sa aksidente ay ipinunto ni Lobregat na dapat ay gawa sa kongkreto ang pabahay para sa mga nabiktima ng gulo sa Zamboanga City.

Ayon kay Lobregat, mayroong nagreport na may isang bahay na nag-collapse sa isang housing unit at ito ang kanilang iinspeksyunin sana nang mangyari ang aksidente.

Sa ngayon anya ay problema pa rin sa naturang pabahay para sa mga biktima ng gulo sa Zamboanga City ang kawalan ng tubig at kuryente gayundin ang isyu ng right of way.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.