Pagpapalakas ng ugnayan sa mga ASEAN countries tiniyak ng pangulo

By Len Montaño April 26, 2018 - 11:49 PM

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangako ng Pilipinas para makamit ang kapayapaan, seguridad, at katatagan sa Southeast Asia.

Sa kanyang talumpati bago pumunta sa Singapore, sinabi ng pangulo na ang pagdalo niya sa 32nd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit ay isang pagkakataon para sa patuloy na ugnayan ng mga bansa sa Southeast Asia at para isulong ang kapayapaan, seguridad, at katatagan sa rehiyon.

Ayon sa pangulo, makakatulong ang tema ng ASEAN summit sa mga prayoridad na isinulong ng Pilipinas bilang ASEAN chairman kabilang ang teknolohiya at innovation.

Patuloy aniya ang hakbang ng Pilipinas para maipatupad ang ASEAN Declaration on the Role of the Civil Service at makamit ang ASEAN Vision 2025.

Tiniyak naman ng pangulo na sasamantalahin niya ang pagkakataon para igiit ang proteksyon at isulong ang karapatan ng mga pilipino na nagtatrabaho sa ibang bansa.

Tatalakayin ng pangulo sa mga kapwa ASEAN leaders ang mga isyu na may epekto sa kapayapaan, seguridad, at pag-unlad ng rehiyon.

Sa sidelines ng ASEAN meeting ay nakatakdang makipagkita ang pangulo sa mga negosyante para hikayatin silang mamuhunan sa bansa.

May pulong din ang pangulo sa Filipino community sa Singapore at babalik ito sa bansa sa Sabado.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.