Mas mabigat na daloy ng trapiko sa QC, asahan na simula April 30
Asahan na ang mas mabigat na daloy ng trapiko sa Quezon City ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ito ay dahil sa pagsasara ng ilang mga kalsada kasunod ng nagaganap na kontruksiyon ng Metro Rail Transit 7 (MRT-7).
Ipapatupad ang one-way traffic sa Regalado, mula sa Mindanao Avenue hanggang sa Commonwealth Avenue mula 10 p.m. hanggang 5 a.m dahil sa kontruksiyon ng coping beam.
Isasara naman ang Regalado mula Mindanao hanggang Commonwealth simula May 6 hanggang July 30 bandang 10 p.m. hanggang 5 a.m. dahil sa paglalagay ng box girders para sa track ng MRT-7.
Simula naman ng May 1 ay sisimulan na ang konstruksiyon ng MRT-7 Tandang Sora station na siyang magdudulot ng traffic sa intersection ng Commonwealth at Tandang Sora Avenue at aabutin ng limang buwan ang paglalagay ng pundasyon para dito.
Kasama din sa proyekto ang pagbuo ng elevated guideway at pag-demolish sa Tandang Sora flyover na tinatayang matatapos ng 13 buwan.
Kasabay nito ang walong buwan na paghuhukay para sa MRT-7 underground guideway mula North Avenue to Commonwealth at kinakailangan isara ang nasa dalawang lanes ng North Avenue hanggang sa Elliptical Road.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.