Case file kaugnay sa war on drugs malapit ng matapos ng PNP

By Rohanisa Abbas April 26, 2018 - 05:13 PM

Malapit nang makumpleto ng Philippine National Police (PNP) ang paghahanda sa case files kaugnay ng giyera kontra droga na isusumite sa Korte Suprema.

Ayon kay PNP spokesperson Chief Supt. John Bulalacao, naihanda na ng Directorate for Investigation and Detective Management ang 80% ng mga kasong ito.

Aniya, naisumite na nila ang mga kaso sa Office of the Solicitor General na siyang magsusumite sa Korte Suprema.

Ayon kay Bulalacao, ang natitirang 20% ng mga kaso ay isusumite pa lang sa kanila ng police units mula sa malalayong lugar.

Inatasan ng Korte Suprema ang OSG at PNP na isumite ang case files ng halos 4,000 drug suspects na napatay sa mga operasyon kontra droga mula July 2016 hanggang November 2017.

TAGS: Bulalacao, OSG, PNP, solicitor general, Supreme Court, War on drugs, Bulalacao, OSG, PNP, solicitor general, Supreme Court, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.