PDEA binalaan sa paglalabas ng Barangay narco-list

By Erwin Aguilon April 26, 2018 - 04:48 PM

Inquirer file photo

Iginiit ni Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano na kailangang may matibay ba ebidensya laban sa mga Barangay officials sa ilalabas na narco-list ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon kay Alejano, hindi dapat maging public-shaming ng mga pulitiko at iba pang malalaking pangalan ang isasapubliko na listahan ng mga sinasabing sangkot sa iligal na droga.

Ang nangyari anyang pagkakamali noon sa mga inilabas na listahan ay lumikha ng pagdududa ng publiko.

Sakali namang mapatunayang sangkot talaga sa iligal na droga ang isang Barangay official ay dapat itong mapanagot agad at huwag hayaang tumakbo sa halalan.

Magugunitang ilang ulit nang nagkamali ang pangulo sa pagsasapubliko ng mga pangalan ng mga pulitiko na nasa Narco-list at binawi din dahil hindi naman pala totoo.

TAGS: barangay, gary alejano, narcolist, PDEA, sk elections, barangay, gary alejano, narcolist, PDEA, sk elections

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.