Ipinahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na sana’y hindi ito makasama sa bilateral ties ng Pilipinas at Kuwait.
Aniya, naniniwala ang Malacañang na maibabalik sa normal ang relasyon ng dalawang bansa sa paglipas ng panahon.
Sa kabila nito, sang-ayon din si Roque na lubos na nakakabahala ang insidente pero tiwala siya na malalagdaan pa rin ang kasunduan ng Pilipinas at Kuwait para sa proteksyon ng Overseas Filipino Workers (OFWs).
Idineklara ng Kuwait na persona non-grata si Philippine Ambassador to Kuwait Renato Villa.
Nag-ugat ito sa kumalat na video ng pagsagip ng Kuwaiti officials sa OFWs.
Hindi naman sinabi ng Malacañang kung magkakaroon ba ng pagbabago sa palno ng pangulo na dumalaw sa Kuwait para tiyakin ang maayos na lagaw ng mga OFWs doon.