Pagpapaalis ng Philippine Ambassador sa Kuwait ikinalungkot ng Malacañang

By Rohanisa Abbas April 26, 2018 - 03:39 PM

Umaasa ang Malacañang na hindi makakaapekto ang pagpapalayas ng Kuwait sa Philippine Ambassador sa ugnayan ng dalawang bansa.

Ipinahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na sana’y hindi ito makasama sa bilateral ties ng Pilipinas at Kuwait.

Aniya, naniniwala ang Malacañang na maibabalik sa normal ang relasyon ng dalawang bansa sa paglipas ng panahon.

Sa kabila nito, sang-ayon din si Roque na lubos na nakakabahala ang insidente pero tiwala siya na malalagdaan pa rin ang kasunduan ng Pilipinas at Kuwait para sa proteksyon ng Overseas Filipino Workers (OFWs).

Idineklara ng Kuwait na persona non-grata si Philippine Ambassador to Kuwait Renato Villa.

Nag-ugat ito sa kumalat na video ng pagsagip ng Kuwaiti officials sa OFWs.

Hindi naman sinabi ng Malacañang kung magkakaroon ba ng pagbabago sa palno ng pangulo na dumalaw sa Kuwait para tiyakin ang maayos na lagaw ng mga OFWs doon.

TAGS: ambassador, duterte, kuwait, OFWs, Renato Villa, ambassador, duterte, kuwait, OFWs, Renato Villa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.