5 cabinet members, mga kongresista iniimbestigahan sa katiwalian
Nilinaw ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica na limang mga cabinet members ang kanilang inirekomenda sa pangulo na imbestigahan dahil sa katiwalian.
Ang nasabing limang miyembro ng gabinete ay kabilang sa mahigit sa 80 na mga pangalan na kanilang isinumite sa Office of the President.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Belgica na confidential ang nasabing ulat pero mismong ang pangulo ang nagsabi na dapat itong isapubliko.
Ipauubaya na lamang nila umano sa Malacañang at sa pangulo kung sasabihin sa publiko ang pangalan ng mga opisyal ng pamahalaan na kanilang iniimbestigahan.
Bukod sa mga cabinet members, kasama rin sa listahan ang ilang mga kongresista, presidential appointees at opisyal ng ilang Government Owned and Controlled Corporations (GOCCs).
Nilinaw rin ng opisyal na sa pangulo sila direktang nagsusumite ng kanilang mga ulat kaya hindi umano sila ang dapat na pagbintangan sa ilang mga media reports na lumabas ukol dito.
Idinagdag pa ni Belgica na mahigpit ang naging utos sa kanila ni Pangulong Durterte na walang sasantuhin sa kampanya kontra sa katiwalian.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.