Mahigit 1,700 sa 6,750 na nakakumpleto ng 2017 bar exams ang nakapasa

By Ricky Brozas April 26, 2018 - 11:21 AM

Umabot sa 1,724 ang nakapasa mula sa 6,750 na mga nakakumpleto ng 2017 bar examinations.

Ayon sa source sa Korte Suprema, sa isinagawang deliberasyon ng en banc, 75% ang napagkasunduang passing rate.

25.55% ang nakapasa o 1,724 mula sa kabuuang kumuha ng pagsusulit.

Narito ang mga average na nakuha ng top 1 to 10 ng 2017 bar exams:

  • Top 1 – 91.05 %
  • Top 2 – 90.80%
  • Top 3 – 90.70%
  • Top 4 – 89.55%
  • Top 5 – 89.45%
  • Top 6 – 89.10%
  • Top 7 – 89.00%
  • Top 8 – 88.90%
  • Top 9 – 88.65%
  • Top 10 – 88.40%

Sa isinagawang 2017 bar exams, 7,227 ang napayagan na kumuha ng pagsusulit pero 6,750 lang sa kanila ang nakakumpleto ng apat na linggo noong Nobyembre.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: 2017 Bar Exams, Bar Exams, passing rate, Supreme Court, 2017 Bar Exams, Bar Exams, passing rate, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.