Naungusan ng Avengers ang The Battleship Island na noong nakaraang taon ay nakapagtala ng 972,161 na audience sa unang araw ng showing sa South Korea.
Ang Infinity War ng Marvel ay nakapagtala ng 976,835 na admissions sa unang araw nito sa lahat ng local theaters ayon sa Korean Film Council.
At Huwebes ng umaga, nalampasan na ng nasabing pelikula ang 1 million threshold sa bilang ng manonood.
Naungusan din ng Infinity War ang dami ng manonood ng mga nagdaang Avengers movies gaya ng Age of Ultron na nakapagtala ng 625,666 audience sa first day.