Soft opening sa Boracay island target sa Hulyo
Posibleng matapos sa loob ng apat na buwan ang rehabilitasyon sa Boracay island at maaring muling buksan sa mga turista sa Hulyo.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Asec. Epimaco Demsing nakatakda silang maglatag ng milestones na kapag naisakatuparan at nasunod ay maaring magkaroon ng soft opening ng isla sa July.
Target ng pamahalaan na sa nasabing buwan ay maayos na ang kalidad ng tubig sa Boracay at naalis na ang lahat ng illegal structures doon.
Inumpisahan na ang pagsasaayos sa drainage system sa isla at paglilinis sa coastline nito sa unang araw ng closure.
Inihahanda na rin ng pamahalaan ang pagsasampa ng reklamo laban sa 24 na establisyimento sa Boracay na nahuling nagtatapon ng untreated water sa karagatan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.