Tama lang para kay Philippine National Police Chief Oscar Albayalde ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na isiwalat na ng pangalan ang mga baranggay officials na nasa narco-list.
Ayon kay Albayalde, suportado nya ang pangulo sa utos nito na isapubliko na ng Philippine Drug Enforcement Agency ang mga opisyal na sangkot sa iligal na droga.
Ito ay upang mas mabigyan pa aniya ng pagkakataon ang mga tao na makilala pa ang mga kandidato.
Kung mailalabas kasi ang narco-officials, makakatulong ito tiyak sa ‘decision making’ at makatutulong din sa tamang pagboto.
Kahapon, sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino na binigyan na sya ng ‘go signal’ ng pangulo na ilabas ang narco-list.
Nakapaloob anya dito ang nasa 211 Baranggay Officials sa iba’t ibang bahagi ng bansa na protektor, tulak at gumagamit ng iligal na droga.