Cybercrime website na responsable sa 4 na milyong insidente ng cyber-attacks sa mundo, isinara
Nagsagawa ng joint operations ang National Crime Agency ng Britain at isinara ang cybercrime website na sinasabing responsable sa apat na milyong insidente ng cyber-attacks sa iba’t ibang panig ng mundo.
Kabilang sa biktima ng nasabing cybercrime website ang malalaking banko.
Joint operation ang isinagawa ng mga otoridad mula sa limang bansa kabilang ang The Netherlands, Serbia, Croatia, Britain at Canada para targetin ang anim na miyembro ng cybercrime group na nasa likod ng website na webstresser.org
Sa pagsalakay sa isang lugar sa Bradford sa Northern England, nasabat ang mga gamit sa mga ginawang pag-atake ng naturang grupo.
Lima ang nadakip sa operasyon kabilang ang isang 19 at 21 anyos sa Serbia, ang ikatlong suspek na 19 anyos ay nadakip sa Croatia habang mayroong dalawa na inaresto ang Scotland police.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.