Pilipinas bumagsak sa ranking ng Press Freedom Index
Bumagsak pa lalo ang Pilipinas sa usapin ng press freedom.
Base ito sa resulta ng 2018 World Press Freedom Index ng Reporters Without Borders (Reporters Sans Frontières, RSF).
Mula sa ika-127 na puwesto sa hanay ng 180 bansa sa listahan, bumaba pa sa ika-133 ang Pilipinas base sa nakuhang iskor na 42.53.
Nabanggit sa ulat na ang pamamahayag sa bansa ay hinahamon ni Pangulong Rodrigo Duterte, na ilang ulit na nagbanta sa mga mamamahayag.
Iniulat din ng grupo na ang Pilipinas na ang pinakadelikadong lugar para sa mga mamamahayag sa buong Asya dahil sa pagkakapatay sa apat sa limang taga-media na pinagbabaril noong nakaraang taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.