Pagpapalayas sa kaniya sa Kuwait, kinumpirma ni Ambassador Renato Villa
Kinumpirma ni Philippine Ambassador to Kuwait Renato Villa na isang linggo lang ang ibinigay sa kaniya ng Kuwaiti Government para lisanin ang nasabing bansa.
Ayon kay Villa, maituturing na “honor” para sa knaiya ang paninilbihan sa mga Pinoy sa nasabing bansa.
Maliban dito, hindi na nagbigay pa ng ibang pahayag si Villa at sa halip ay sinabing ang tagapagsalita na lamang ng embahada ang maglalabas ng pahayag.
Hindi rin nagkomento si Villa sa pagkakadeklara sa kaniya bilang persona non-grata sa Kuwait.
Una rito ay nagpahayag ng pagkabahala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa naging aksyon ng pamahalaan ng Kuwait, lalo na’t taliwas ito sa naging pahayag at paninigurado ni Kuwaiti Ambassador Musaed Saleh Ahmad Althwaikh nang magpulong sila ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano noong Martes.
Kakausapin ngayong araw ng DFA si Ambassador Saleh upang malaman kung bakit nag-iba ang desisyon ng Kuwait.
Ito ay kasunod ng naunang kasunduan ng dalawang mga bansa na magpapatuloy ang magandang ugnayan ng Pilipinas at Kuwait.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.