2 beses na pagyanig naitala sa Occidental Mindoro
Niyanig ng dalawang magkasunod na lindol ang bayan ng Looc sa Occidental Mindoro.
Unang tumama ang magnitude 3.7 na lindol sa 31 kilometers south ng Looc, alas 12:09 ng madaling araw.
Ayon sa Phivolcs, 2 kilometers lang ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Makalipas ang ilang minuto, tumama naman ang magnitude 3 na lindol sa bayan pa rin ng Looc.
Naganap ang ikalawang lindol alas 12:18 ng madaling araw sa 31 kilometers East ng nasabing bayan.
Samantala, niyanig naman ng magnitude 3.3 na lindol ang bayan ng Catarman sa Northern Samar ala 1:41 ng madaling araw.
Naitala ng Phivolcs ang epicenter ng lindol sa 43 kilometrs North ng Catarman.
Hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang tatlong lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.