Lalaki patay sa pamamaril sa Quezon City

Dead on the spot ang isang lalaki matapos itong walang habas na pagbabarilin sa tapat mismo ng kanyang bahay sa Barangay Santa Monica, Novaliches, Quezon City.

Kinilala ang biktimang si Rufyleo Quintana alyas Pampam, 49 taong gulang.

Kwento ng isang babaeng nagbabantay ng tindahan sa lugar, lumabas ng bahay si Quintana bandang alas-8:50 ng gabi. Hindi nagtagal ay nakarinig siya ng magkakasunod na putok. Nang tingnan niya ang pinangyarihan ng insidente ay doon na niya nakita ang nakahandusay at walang buhay na katawan ni Quintana.

Batay sa inisyal imbestigasyon ng Quezon City Police District (QCPD) Station 4, dalawang pares ng hindi pa nakikilalang mga riding in tandem ang dumating sa lugar at pinagbabaril ang biktima.

Matapos ang insidente ay kaagad na tumakas ang mga salarin.

Anim na basyo ng baril ang narekober mula sa pinangyarihan ng insidente.

Samantala, patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa nangyaring pamamaslang, partikular na kung ano ang motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek.

Read more...