CHR hindi pabor sa paglalabas ng narco-list

By Justinne Punsalang April 26, 2018 - 03:55 AM

Inalmahan ng Commission on Human Rights (CHR) ang pag-uutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ilabas na ang mga pangalan ng mga barangay officials na sangkot sa kalakaran ng iligal na droga o narco-list.

Ayon sa CHR, paglabas sa karapatang pantao, partikular na sa due process at presumption of innocence ang paglalabas ng narco-list. Bukod pa umano ito sa trauma at stigma na maaaring maranasan ng mga kamag-anak ng nasa listahan.

Sinabi pa ng CHR na kung tunay na sangkot sa kalakaran ng iligal na droga ang mga barangay officials ay dapat silang kasuhan.

Samantala, ayon naman sa Liga ng mga Barangay, bago isapubliko ang narco-list ay dapat tiyak na sangkot talaga sa iligal na droga ang mga nakalistang barangay officials.

Ayon pa sa grupo, posible kasing hindi verified at alegasyon lamang ang pagkakasama ng ilang mga pangalan sa listahan, kung saan 89 ang mga barangay chairman at 122 ang kagawad na sinasabing protektor ng mga tulak ng droga.

Panigurado naman ng PDEA, verified ang kanilang hawak na narco-list.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.