Pangulong Duterte, nais ideklara ang Mindanao bilang isang ‘land reform area’

By Rhommel Balasbas April 26, 2018 - 02:28 AM

Bilang paraan upang maipalaganap ang pag-unlad hanggang sa katimugang bahagi ng bansa, nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na ideklara ang Mindanao bilang isang ‘land reform area’.

Sa launching ng balik-baril program sa Maguindanao, sinabi ng pangulo na nais niya na ipamahagi ang mga lupa sa mga magsasaka at bigyan ng suporta ang mga ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga palay at kagamitan.

Ito ay upang mapalawig pa ang produksyon sa sektor ng agrikultura.

May pakiusap naman ang pangulo na huwag isangla ang mga tractor o mga kagamitang plano niyang ipamahagi.

Nangako si Duterte na gagawin niya ang lahat upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga Filipino partikular ang mga nasa Mindanao.

“A Moro should also understand a problem of his generation. A good Moro must provide a good future for his children. I promise you. I will do everything,” ani Duterte.

Ipinangako rin ng presidente ang pagsasabatas ng Bangsamoro Basic Law at ang pagpulbos sa mga teroristang manggugulo at magiging balakid sa kapayapaan sa rehiyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.