Inter-Agency Task Force umaasang lalagdaan ng pangulo ang EO

By Len Montaño April 25, 2018 - 10:40 PM

Sa bisperas ng pagsasara ng Boracay, naghintay ang Inter-Agency Task Force na pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order para maging pormal ang pagsasara at rehabilitasyon ng isla.

Sakaling walang EO ay aasa ang Task Force sa probinsya ng Aklan at munisipalidad ng Malay.

Sa briefing sa Boracay, sinabi ni DILG Assistant Secretary Epimaco Densing III na umaasa pa rin sila na pipirmahan ng pangulo ang deklarasyon ng state of calamity.

Bahagi aniya ng rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang isang taong deklarasyon ng state of calamity sa tatlong barangay sa isla.

Kailangan ang EO para maging pormal ang pagkabuo sa Task Force na kinabibilangan ng kaukulang mga ahensya ng gobyerno.

Kailangan din ang EO para sa paglabas ng pondo hindi lang sa pag-aayos ng Boracay kundi para matulungan ang mga residente at manggagawa na apektado ng pagsasara ng naturang tourist destination.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.