Pilipinas tiniyak ang UN na committed ang bansa sa peace talks

By Len Montaño April 26, 2018 - 01:34 AM

Tiniyak ni Presidential Peace adviser Jesus Dureza sa mga delegado ng United Nations General Assembly na committed pa rin ang gobyerno ng Pilipinas sa usapang pangkapayapaan lalo na sa mga lugar na may gulo.

Iginiit ni Dureza ang hakbang ng kanyang tanggapan gaya ng pagpapatupad ng socio-economic programs at pagkakaroon ng kapayapaan bilang patunay na patuloy sa paghahanap ng patas at pangmatagalang katahimikan sa bansa.

Ipinaliwanag din ng kalihim sa assembly sa New York na dapat sabay ang kapayapaan at kaunlaran.

Aminado si Dureza na mahirap ang naturang layunin sa Pilipinas pero sa tulong anya ng United Nations at ibang bansa ay magiging madali ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.