Maguindanao Police, pinaigting ang seguridad sa COC filing
Bumuo ng mas pinaigting na security plan ang PNP Maguindanao para tiyaking magiging matahimik ang panahon ng paghahain ng certificate of candidacy ng mga tatakbo sa lokal na posisyon sa lalawigan.
Ito’y upang matiyak na hindi na mauulit ang Maguindanao Massacre noong 2009 kung saan pinatay ang nasa 58 katao kabilang na ang mga kaanak ni Maguindanao Governor Toto Mangudatu na maghahain sana ng COC sa Comelec.
Ayon kay Sr. Supt. Nickson Muksan, hepe ng Maguindanao Police Provincial Office, nagsagawa na sila ng command conference kamakailan upang plantsahin ang seguridad sa lalawigan para sa linggong ito.
Paliwanag ni Muksan, kanya nang nakausap si Sr. Supt. Rex Anongos, ng Cotabato City Police Office at nakipag-coordinate na dito upang paghandaan ang security arrangements sa mga maghahain ng COC.
Ang Comelec office kung saan maaring makakapaghain ng mga certificate of candicacy ang mga kandidato sa pagka gobernador, vice governor, board member at kongresista sa Maguindanao ay nasa Cotabato City.
Dagdag pa ni Muksan, maglalagay din sila ng mga karagdagang assistance desk sa lahat ng mga munisipalidad kung saan maaring maghain ng COC ang mga tatakbo sa pagka-alkalde, bise alkalde at konsehal.
Sa kasalukuyan, may limang bayan sa Maguindanao ang itinuturing na ‘areas of immediate concern’.
Kabilang dito ang mga bayan ng Sultan sa Barongis, Datu Unsay, Raja Buayan, Sultan Mastura at Matanog.
November 23, 2009 nang maganap ang karumal-dumal na Maguindanao massacre kung saan 58 katao ang namatay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.