Paglilinis ng Boracay tuloy kahit walang state of calamity

By Len Montaño April 25, 2018 - 11:10 PM

Tuloy ang paglilinis sa Boracay kahit walang deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ng state of calamity sa isla.

Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, tuloy ang paglilinis, lalo na sa wetland, mapirmahan man o hindi ng pangulo ang deklarasyon ng state of calamity sa isla.

Mayroon naman anyang ilang pondo na pwedeng magamit sa ngayon para sa rehabilitasyon ng Boracay.

Sa briefing sa Boracay, sinabi ni Cimatu na maglalaan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng P20 milyon para sa restoration ng wetlands, mga kweba, at coastal resources.

Habang ang Department of Tourism (DOT) ay naglaan ng P1.1 bilyon para sa pag-aayos ng drainage system at P10 milyon para naman sa training ng mga manggagawa sa mga establisyimento na sumusunod sa environmental at zoning regulations.

Samantala, ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ay humiling ng P500 milyon na budget para sa 5.2 kilometer road project at drainage system.

Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) naman ay naglaan ng P2 bilyon para sa mga workers na mawawalan ng trabaho at P520 milyon para sa informal workers.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.