SolGen Calida, ibinasura ang hiling ng isang indibidwal na magsampa ng Quo Warranto case kay Justice De Castro

By Len Montaño April 25, 2018 - 09:34 PM

Ibinasura ni Solicitor General Jose Calida ang hiling ng isang pribadong indibidwal na maghain ng katulad na Quo Warranto case laban kay Supreme Court Associate Justice Teresita Leonardo De Castro.

Sa kanyang sagot sa sulat ng isang Jocelyn Marie F. Acosta, sinabi ni Calida na walang merito ang kanyang hiling.

Nais ni Acosta ang Quo Warranto petition laban kay De Castro sa parehong dahilan gaya kay Chief Justice On Leave Maria Lourdes Sereno na kabiguang magsumite ng kumpletong Statements of Assets, Liabilities and Networth.

Sinabi ng sumulat kay Calida na wala ring integridad si De Castro dahil labing limang SALN lang ang isinumite nito noong nag-apply ito bilang Chief Justice noong 2012.

Pero sagot ni Calida, discretion ng SolGen ang pagsasampa ng QuoWarranto petition kung mayroong ebidensya.

Wala rin anyang pagkakatulad ang mga kaso nina Sereno at De Castro.

TAGS: jose calida, Quo Warranto case, teresita leonardo de castro, jose calida, Quo Warranto case, teresita leonardo de castro

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.