Mga dayuhan na makikialam sa usaping pulitika sa Pilipinas, hahampasin ni Pangulong Duterte

Hahampasin kita.

Ito ang naging bagong banat ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Australian Missionary Sister Patricia Fox at sa iba pang mga dayuhan na makikialam sa usaping panloob sa Pilipinas.

Sa talumpati ng pangulo sa launching ng Maguindanao Balik Baril Program sa Buluan, Maguindanao sinabi nito na gagawin niya ang lahat mapangalaagan lamang ang mga Pilipino.

Sinabi pa ng pangulo na walang karapatan ang mga dayuhan na batikusin ang kanyang administrasyon dahil ginagawa niya ang lahat ng paraan para mabigyan ng komportableng buhay ang mga Pilipino.

Bukod dito iginiit ng pangulo hindi rin mga dayuhan ang nagpapasweldo sa kanya.

“Hindi ka naman nakabayad sweldo ko, bakit ganunin mo ako?” ayon kay Pangulong Duterte.

Read more...