Ayon kay Lolobeth Gaydowen, tagapagsalita ng National Grid Corpopration of the Philippines (NGCP) North Luzon, natumba ang mga poste ng NGCP sa Amulung, Cagayan dahil sa malakas na rainstorm.
Sinabi ni Gaydowen na papalitan sana ang isa sa mga poste ngayong araw, pero napaaga ang pagsasaayos dito dahil sa maliit na buhawi.
Nawalan ng kuryente sa mga bahagi ng Apayao at Cagayan mula Lunes ng hapon hanggang Martes ng umaga.
Ayon sa NGCP, naibalik na ang kuryente sa Tuguegarao-Magapit-Sta. Ana 69-kV line, kung saan sineserbisyuhan ang ilang bahagi ng Cagayan Electric Cooperative (Cagelco) I at ng kabuuan ng Cagelco II.
Bunsod naman ng insidente, ni-reschedule ng NGCP ang power interuption na nakatakda sana bukas sa May 4.