Pagpapasara ng Boracay, pinahihinto sa SC

By Rohanisa Abbas April 25, 2018 - 03:07 PM

Inquirer file photo

Pinapahinto sa Korte Suprema ang napipintong pagpapasara sa isla ng Boracay.

Bilang kinatawan ng mga manggagawa at residente ng isla, naghain ang National Union of People’s Lawyers (NUPL) at sina Mark Anthony Zaal at Thiting Jacosalem ng petisyon na humihiling sa Kataastaasang Hukuman na maglabas ng restraining order sa pagpapasara sa Boracay.

Isinaad nila sa petisyon na walang sapat na rason o arbitrary ang hakbang na ito, at labag hindi lamang sa constitutional rights ng kundi sa karapatan ng lahat ng manggagawang nagtatrabaho at naninirahan sa isla.

Sinabi nina Jacosalem at Zabal na mawawalan sila ng kabuhayan, at wala silang maipapakain sa kanilang mga pamilya oras na hindi na payagan ang mga turista sa Boracay.

Nakatakdang isara ang tanyag na tourist destination bukas para isailalim sa anim na buwang rehabilitasyon.

Tinatayang 36,000 manggagawa ang maapektuhan nito

TAGS: boracay, korte suprema, NUPL, boracay, korte suprema, NUPL

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.