Pagkansela ng BI sa visa ni Sr. Fox, kinatigan ng Palasyo

By Chona Yu April 25, 2018 - 02:55 PM

Sinang-ayunan ng Palasyo ng Malakanyang ang naging pagpapasya ng Bureau of Immigration na kanselahin na ang visa ng Australian missionary na si Sister Patricia Fox.

Paliwanag ni Presidential spokesperson Harry Roque, ibinatay ng BI sa mga ebidensiya para palayasin na ng Pilipinas ang dayuhang misyunaryo sa loob ng 30 araw.

Iginit pa ni Roque na dumaan sa proseso ang kinasangkutang kontrobersiya ni Sister Fox sa paraang nagkaroon ng preliminary investigation at mula doon ay napatunayang nanghimasok ito usaping pulitika.

Bilang missionary, sinabi ni Roque na pagpapakilala sana ng relihiyon ang dapat na ginagawa ni Sister Fox ngunit malinaw aniyang ito’y nanghimasok at nakilahok sa political activities.

Pero paglilinaw ni Roque, ni-revoke lang naman ang visa ng dayuhang misyonaryo at maaari pa rin itong makabalik sa bansa.

TAGS: BI, Palasyo, Sister Patricia Fox, BI, Palasyo, Sister Patricia Fox

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.