10 patay sa sunog sa illegal oil well sa Indonesia
Patay ang sampung katao at maraming iba pa ang nasugatan sa sunog na naganap sa isang ilegal na oil well sa Aceh, Indonesia.
Sumiklab ang apoy sa isang residential area sa lugar na tumupok sa nasa tatlong bahay.
Ayon sa mga otoridad, sampung bangkay ang natagpuan nila habang hindi bababa sa 12 ang nasugatan at dinala sa ospital.
Pinaniniwalang nag-ugat ang apoy sa isinasagawang pipe welding sa ilegal na oil well sa western province.
Ang Aceh ay pugad ng small-scale oil mining operations.
Ang iba dito, ilegal na ino-operate ng mga residente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.