91 kahon ng smuggled na sigarilyo, nasabat sa GenSan

By Rohanisa Abbas April 25, 2018 - 12:07 PM

Narekober ng pulisya ang 91 kahon ng smuggled na sigarilyo mula Indonesia sa General Santos City.

Sinalakay ng mga pulis ang isang bahay sa Barangay Labangal kung saan nasabat ang mga kahon na pag-aari umano ni Toto Malik.

Nakatakas si Malik pero naaresto ang dalawang Indonesian nationals na pinaniniwalaang kasabwat sa pagpuslit ng mga sigarilyo.

Sinabi naman ng mga suspek na lingid sa kanilang kaalaman na ipinagbabawal ang smuggled na sigarilyo.

Ayon kay Chief Supt. Marcelo Morales, regional police director, ikinasa nila ang operasyon matapos makatanggap ng tip mula sa isang concerned citizen.

Ipinahayag ni Morales na hinahagilap na nila ang bumili ng smuggled na sigarilyo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: General Santos City, Radyo Inquirer, smuggled cigarettes, General Santos City, Radyo Inquirer, smuggled cigarettes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.