Petisyon para ideklarang terorista ang CPP-NPA at kanilang tagasuporta ipinababasura sa DOJ

By Erwin Aguilon April 25, 2018 - 12:15 PM

Hiniling nina ACT Teachers Party-list Reps. Antonio Tinio at France Castro sa Department of Justice na ibasura ang petisyon na nagdedeklara sa CPP-NPA at sa mga sumusuporta dito bilang mga terorista.

Ayon kina Castro at Tinio, ito ay kung talagang seryoso ang pamahalaan na ipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at NDFP pece panel.

Iginiit ni Tinio, kasama din sa listahan ng mga fake terrorists ang mga pangalan ng NDFP negotiating panel.

Bukod dito, dapat din anilang bawiin din ang mga kondisyon at ipagpatuloy ang mga naudlot na kasunduan tulad ng Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms.

Nauna rito, naglatag ng mga preconditions si Pangulong Rodrigo Duterte para muling ituloy ang usapang pangkapayapaan sa NDFP.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Act Teachers Party-list, CPP NDF NPA, DOJ, Radyo Inquirer, Act Teachers Party-list, CPP NDF NPA, DOJ, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.