CGMA, tatakbong muli bilang kinatawan ng Pampanga

By Chona Yu October 11, 2015 - 08:49 PM

 

Inquirer file photo

Kahit nakaratay sa banig ng karamdaman, walang balak si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo na magpahinga sa mundo ng pulitika.

Ito ay dahil sa target ni Arroyo na kumandidato sa pagka kongresista ng Pampanga sa ikatlong pagkakataon.

Ayon kay Pampanga Vice Governor Dennis Pineda, kuha pa rin ni Arroyo ang suporta ng mga taga-Pampanga.

Paliwanag ni Pineda, malaki ang naitulong ni Arroyo sa mga taga Pampanga lalo na nang sumabog noon ang Mount Pinatubo.

Ilang taon nang nakadetine si dating Pangulong Gloria Arroyo sa Veteran’s Memorial Medical Center dahil sa kinakaharap nitong kasong plunder sa Sandiganbayan.

Ito’y sa kabila ng pagkakaroon nito ng cervical spondylosis, o arthritis of the neck na dahilan kaya’t kinakailangan nitong naka-neck brace.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.