P1.96B ang mawawalang kita sa 6 na buwang pagsasara ng Boracay – NEDA

By Rohanisa Abbas April 25, 2018 - 11:37 AM

Inquirer file photo

Nakaambang maapektuhan ang ekonomiya ng bansa sa gitna ng napipintong pagsara sa Boracay Island.

Ayon sa National Economic Development Authority (NEDA), nasa P1.96 bilyon ang mawawalang kita sa bansa sa loob ng anim na buwang rehabilitasyon sa tanyag na tourist destination.

Ipinahayag ni NEDA director general Ernesto Pernia na sa unang pagtaya ng ahensya, 0.1% lamang ang mawawala sa gross domestic product ngayong taon.

Paliwanag ni Pernia, sa P14 trilyong halaga ng ekonomiya ng bansa, aabot sa P980 milyon ang malulugi sa bansa sa bawat quarter. Pinakamaaapekuhan aniya ang mga lokal na pamahalaan ng Boracay, ng bayan ng Malay, ng lalawigan ng Aklan at ng Region VI.

Sa kabila nito, inaashan ng NEDA na lalakas ang paglago ng ekonomiya sa ibang rehiyon, partikular sa ibang bahagi ng Visayas, at maging sa Luzon at Mindanao dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga turista.

Naniniwala naman si Pernia na pansamantala lamang ang hindi magandang epekto ng pagsasara ng Boracay. Aniya, kailangang mas pag-igihan ng Department of Tourism ang pagbebenta sa iba pang tourist destinations sa bansa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Boracay Island, neda, Radyo Inquirer, tourism, Boracay Island, neda, Radyo Inquirer, tourism

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.