Mga opisyal ng barangay na sangkot sa ilegal na droga isasapubliko ng PDEA bago mag-eleksyon

Inquirer.net File Photo

Isasapubliko ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pangalan ng mga opisyal ng barangay na nasa narcolist ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong linggo.

Ayon PDEA Director General Aaron Aquino, binigyan na siya ng go signal ng Malakanyang para isiwalat ang listahan.

Sinabi ni Aquino na 211 ang pangalan ng mga opisyal ng barangay na nasa narco list. Kinabibilangan aniya ito ng mga barangay kagawad at barangay chairman na sangkot sa ilegal na droga.

Ani Aquino, isinasapinal na lamang nila ang listahan at sa loob ng linggong ito, ilalantad na nila ito sa publiko.

Dagdag ng opisyal, na-validate ang narcolist ng Pangulo batay sa mga ebidensya laban sa mga opisyal.

Una nag nagbabala ang Department of the Interior and Local Government na magsasampa ng kaso laban sa mga opisyal ng barangay na may ugnayan sa iligal na droga.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...