DOH at PAO hindi pa rin magkasundo sa isyu ng pag-autopsy sa mga nasasawi na dating nabakunahan ng Dengvaxia

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 25, 2018 - 10:42 AM

Walang indikasyon na magkakasundo ang Department of Health (DOH) at Public Attorney’s Office (PAO) sa isyu ng pagsasagawa ng PAO ng otopsiya sa mga naturukan ng Dengvaxia at nasawi kalaunan.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na inirerespeto naman nila ang posisyon ng PAO na ang DOH ay hindi pwedeng magsagawa ng imbestigasyon sa usapin dahil sila ang nagpatupad nito noong taong 2016.

Pero ang hindi matanggap ni Duque ay ang pagsasampa pa ng mga “walang kabuluhang” kaso ng PAO laban sa mga opisyal ng kagawaran.

Samantala, sa hiwalay na panayam, sinabi sa Radyo Inquirer ni PAO Chief Persida Acosta na dapat ituon ng DOH ang pansin nito sa pagbibigay ng tulong medikal sa mga pasyenteng naoospital na naturukan ng Dengvaxia.

Nakapagtataka ayon kay Acosta na sa halip na gamot at hospitalization ang paglaanan ng pondo ng DOH ay otopsiya ang pinaglaanan nito ng pondo.

Ang nakalulungkot pa ayon kay Acosta, may pondo rin na inilaan ang DOH para sa mga nasasawi na tila pa pag-anticipate na mamamatay ang mga batang naturukan ng bakuna.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Dengvaxia, doh, Francisco Duque III, PAO Chief Persida Acosta, Radyo Inquirer, Dengvaxia, doh, Francisco Duque III, PAO Chief Persida Acosta, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.