Duque: Hintayin muna ang resulta ng mga pagsusuri sa duktor sa Pangasinan

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 25, 2018 - 09:57 AM

Hindi pa dapat agad na magbigay ng konklusyon na Dengvaxia ang ikinasawi ng duktor na si Dr. Kendrick Gotoc na residente ng Binalonan Pangasinan.

Si Dr. Kendrick Gotoc ay tumanggap ng tatlong dosage ng Dengvaxia, dalawang taon na ang nakararaan at binawian ng buhay sa isang ospital sa Quezon City noong Linggo.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque III na dapat hintayin muna ang resulta ng lahat ng pagsusuri na ginawa sa duktor.

Mahalaga din aniyang malaman ang profile nito, bago maglabas ng mga konklusyon na Dengvaxia nga ang kaniyang ikinasawi.

Ani Duque, wala pa ngang naisasagawang otopsiya sa katawan ni Dr. Gotoc at hindi pa ito kumpletong nasusuri.

Sa panig naman ng Public Attorney’s Office, hindi umano dapat agad idiskwento ng DOH na Dengvaxia nga ang ikinasawi ni Gotoc.

Sinabi sa Radyo Inquirer ni PAO Chief Atty. Persida Rueda Acosta na itatakda pa lamang ang autopsy sa katawan ni Dr. Gotoc, pero kung ang pagbabasehan ay ang clinical records at signs, ang dinanas ng duktor ay pareho ng mga nangyari sa mga batang nasawi na nasuri ng PAO.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Dengvaxia, francisco duque, Kendrick Gotoc, Radyo Inquirer, Dengvaxia, francisco duque, Kendrick Gotoc, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.