One entry, one exit point at no ID, no entry, mahigpit na ipatutupad ng PNP sa Boracay
Magiging mahigpit ang Philippine National Police sa pagpapatupad ng “one entry, one exit point” at “no ID, no entry” sa pagsasara ng Boracay sa April 26.
Ayon kay Western Visayas Director Cesar Hawthorne Binag, kasama ang mga tauhan ng ibang concerned government agencies ay magtatayo ng outer at inner border control points para makontrol ang mga papasok sa isla.
Kanya ring sinabi na nakahanda na ang 630 pulis ng sa Metro Boracay Police Task Force sa pumumuno ni Site Task Group Commander Senior Superintendent Jesus D Cambay Jr.
Dagdag pa ni Binag, ligtas ang ari-arian ng mga stakeholders sa panahon na ipatitupad ang closure order.
Aniya, batay sa statistika, bumaba pa nga ang crime rate sa Boracay sa first quarter ng taon, mula nang Ma-deploy ang Metro Boracay Police Task Force.
Kasabay nito nanawagan si Binag sa publiko na makipag-tulungan sa mga autoridad sa maayos at epektibong pagpapatupad ng Boracay closure order, upang mapabilis ang rehabilitasyon ng isla.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.