Mula sa bansag na “Little Rocket Man”, Trump tinawag nang “very honorable man” si North Korean leader Kim Jong Un

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 25, 2018 - 08:30 AM

Tinawag na “very honorable” ni Us President Donald Trump si North Korean leader Kim Jong Un kaugnay sa nalalapit nilang pagpupulong.

Malaking kabaligtran ang pahayag na ito ng presidente ng Amerika sa mga nauna niyang bansag kay Kim na noon ay tinawag niyang “Little Rocket Man.”

Nagpapatuloy ang negosasyon ngayon ng United States at ng North Korea para sa pulong sa pagitan nina Trump at Kim Jong Un na maaring maganap sa Mayo o sa Hunyo ng taong ito upang pag-usapan na tuldukan ang nuclear activities ng NoKor.

Ani Trump base sa ulat sa kaniya sa proseso ng pinaplantsang pulong, “very open” ang North Korean leader sa nakatakda nilang pag-uusap.

Sa ngayon patuloy pa ang pagtalakay sa seguridad at sa iba pang detalye ng pulong at hindi pa rin natutuloy ang eksaktong petsa kung kailan ito magaganap.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: denucliarization, donald trump, Kim Jong un, north korea, Pyongyang, United States of America, denucliarization, donald trump, Kim Jong un, north korea, Pyongyang, United States of America

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.