3 patay sa aksidente sa SCTEX

By Ricky Brozas April 25, 2018 - 08:14 AM

Tatlo ang kumpirmadong patay sa pagsalpok ng isang truck sa isang pampasaherong bus sa SCTEX na sakop ng bayan ng Concepcion, Tarlac.

Ayon sa hepe ng Concepcion Police na si Supt. Augusto Pasamonte, parehong binabaybay ng dalawang sasakyan ang pa-Norte na bahagi ng SCTEX nang magkasalpukan.

Nangyari ang aksidente pasado alas 12:20 kaninang madaling araw

Dahil sa lakas ng impact ay nahulog sa creek ang 5-star bus pati na ang Fuzo Truck.

Nagliyab ang bus matapos itong bumulusok sa creek dahilan para masawi ang tatlong pasahero nito at malubhang ikinasugat naman ng iba pang sakay nito.

Kasalukuyang nang nilalapatan ng lunas sa Tarlac District Hospital ang 11 pasahero na sakay ng bus na ayon kay Pasamonte ay karamihan ay nagtamo ng matinding bali sa katawan.

May dalawa pang isinugod sa hindi pa nabanggit na pagamutan sa Tarlac.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang malagim na aksidente.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: 3 dead, accident, Radyo Inquirer, SCTEX, 3 dead, accident, Radyo Inquirer, SCTEX

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.