2 drug suspek patay sa buy-bust sa Laguna

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 25, 2018 - 06:22 AM

Police banner

Patay ang dalawang drug suspects makaraang mauwi sa engkwentro ang ikinasang buy-bust operations ng mga tauhan ng Calamba Laguna Police.

Ayon kay Laguna Provincial Director Sr. Supt. Kirby John Kraft, nagkasa ng buy-bust ang mga otoridad sa Barangay Pansol alas 2:30 ng madaling araw.

Pero nakatunog umano ang mga suspek na pulis ang kanilang katransaksyon kaya nanlaban ang mga ito.

Kinilala ang isa sa mga suspek na si Christopher Manjares Gonce alyas Boy B at isa pang hindi nakikilalang lalaki.

Narecover ng mga otoridad ang isang kalibre 45 na baril, 8 sachet ng hinihinalang shabu, digital weighing scale at iba pang drug paraphernalia.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: buy bust, Calamba, Illegal Drugs, laguna, pansol, War on drugs, buy bust, Calamba, Illegal Drugs, laguna, pansol, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.