Paghahain ng COC ni Senador Grace Poe, tatanggapin ng Comelec
Hindi hahadlangan ng Commission on Elections ang paghahain ng Certificate of Candidacy ni Senador Grace Poe na tatakbong pangulo ng bansa.
Paliwanag ni Comelec Chairman Andres Bautista, ito ay dahil sa wala pa namang inilalabas na desisyon ang Senate Electoral Tribunal para sa disqualification case ni Poe kaugnay sa kanyang citizenship issue.
Tiniyak pa ni Bautista na walang balakid na kakaharapin si Poe.
Samantala, magpapakalat ng karagdagang pulis ang Philippine National Police sa mga tanggapan ng Commission on Elections sa buong bansa.
Ito ay para na rin matiyak na magiging maayos ang paghahain ng Certificate of Candidacy na magsisimula bukas, October 12 at tatagal ng hanggang Biyernes, October 16.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Supt. Wilben Mayor, bagamat nasa red alert status ngayon ang pulisya, hindi pa ipatutupad ang gun ban dahil hindi pa naman opisyal na nagsisimula ang election period.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.