Church workers na tatakbo sa Barangay at SK polls, pinayuhang magbitiw sa pwesto

By Rhommel Balasbas April 25, 2018 - 04:19 AM

Pinagbibitiw sa pwesto ng isang Obispo ang mga manggagawa ng simbahan na nagpaplanong tumakbo sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Sa kanyang pastoral statement para sa Diocese of Cubao, sinabi ni Bishop Honesto Ongtioco na sinumang church official o worker na nakapaghain na ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) ay ikokonsidera nang ‘resigned’ sa pwesto.

Ito anya ay upang maiwasan na isiping ginagamit ang Simbahan para sa mga ‘partisan exercises’.

“We wish to guard the Church against possible accusation of critics for undue advantage of lay candidates, who might be perceived of using the Church for partisan exercise,” ani Bishop Ongtioco.

Kabilang din sa polisiya ang mga kabataang kasapi ng Parish Youth Ministry at nais na magkaroon ng posisyon sa Sangguniang Kabataan.

Sakali namang matalo sa halalan ay sinabi ng Obispo na maaaring muling mag-apply sa kanilang mga posisyon sa parokya at diocesan organizations ang mga manggagawa ngunit ito ay pagdedesisyonan ng kanilang kura paroko.

Gayunman, itinuturing ni Ongtioco na isang welcome development ang paglahok ng church workers sa eleksyon.

Ito anya ay nakalinya sa misyon ng Simbahang Katolika na mapag-ibayo ang pulitika na nakabase sa mga aral at prinsipyo ng Mabuting Balita.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.