Pag-upo ni dating PNP Chief Bato Dela Rosa sa BuCor, inaabangan na

By Jan Escosio April 25, 2018 - 04:13 AM

Nakikita ng mga opisyal at tauhan ng National Bilibid Prisons na marahil na si dating Philippine National Police (PNP) Chief Bato Dela Rosa ang makakapagtuldok sa mga iligal na gawain sa loob ng pambansang piitan.

Sinabi ni Bureau of Corrections (BuCor) acting Director General Valfrie Tabian na sa naging karanasan ni Dela Rosa sa anti-drug campaign ng gobyerno ay malaki ang magagawa nitong reporma sa Bilibid.

Aminado si Tabian na nagpapatuloy pa rin ang problema sa droga sa loob ng Bilibid ngunit aniya malaki na ang positibong pagbabago.

Bagamat pag-amin din ni Tabian, hindi niya masasabi kung ganito din ang sitwasyon sa pakikipag transaksyon ng mga high value prisoners sa labas ng kulungan.

Dagdag pa nito, pansamantala ay mananatili muna din ang mga tauhan ng PNP Special Action Police sa Bilibid.

Samantala, lubos na ikinatuwa ng mga tauhan ng BuCor ang pagpapatupad na ng BuCor Act of 2013.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkaroon ng Donning of Ranks ang mga prison guards na ngayon ay makikilala na bilang corrections officers.

Ayon kay Tabian malaki ang maitutulong ng batas sa modernisasyon at propesiyonalismo sa kanilang hanay.

Ito rin aniya ang nakikita nilang paraan para hindi na matukso ang kanilang mga tauhan sa suhol ng mga maimpluwensiyang preso.

Umarangkada na ang batas para sa modernisasyon ng Bucor ngunit ang tanong ay kung makakaya ba talaga ni dela Rosa ang mas mabigat na hamon ng reporma sa pambansang piitan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.