Ilang bus terminal sa Cubao ipinasara ng MMDA

By Len Montaño April 25, 2018 - 04:06 AM

Limang terminal ng mga provincial bus sa Cubao ang ipinasara ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa paglabag sa nose in, nose out policy.

Ipinasara ang mga terminal ng Delmonte Land Transport Bus (DLTB), Lucena Lines, Alps Bus, Raymond Transportation, at Superlines.

Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, para kunwaring nakasunod sa polisiya ay binutasan ang likuran ng mga bus terminal.

Nagdudulot aniya ng trapiko kapag nagmamaniobra ang mga bus na pumapasok at lumalabas ng terminal ng DLTB.

Wala ring tamang lagusan ng bus ang Lucena Lines at Alps Bus Company kaya pinatigil ang kanilang operasyon.

Habang ang Raymond Transportation ay mismong ticketing office ang isinara para hindi na makabenta ng ticket.

Sa ilalim ng nose in, nose out policy, kailangan na may tamang pasukan at labasan ang mga bus terminal para hindi magdulot ng trapik.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.