Benguet nakaranas ng hail storm

By Len Montaño April 25, 2018 - 03:13 AM

Sa gitna ng matinding init sa bansa, nagkaroon ng hail storm o pag-ulan ng yelo sa Benguet.

Makikita ang kakaibang hail storm na tumagal ng isang oras sa mga larawan at video ng Facebook Page na Youlike Cordillera PH.

Ayon sa mga netizens, bumagsak ang yelo sa mga bubungan, sasakyan, at kalsada.

Mapapanood sa video ng netizen na si Alexis Mae Mendoza ang pagbagsak ng yelo sa ilang barangay sa mga munisipalidad ng Atok at Kibungan.

Nagkakaroon ng hail storm kapag umakyat ng lampas sa freezing level ang mga patak ng ulan mula sa thunderstorm.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.