Sa isang text message ay sinabi ni Roxas na naka-sentro siya ngayon sa kanyang pamilya at ina.
Marami umanong utang ang dating senador at kalihim sa kanyang pamilya.
Pahayag ito ni Roxas kaugnay ng isyu kung muli itong tatakbong senador sa halalan sa susunod na taon.
Una rito ay sinabi ni Senador Bam Aquino na ilang grupo ang nag-uudyok kay Roxas na kumandidato sa susunod na senatorial race.
Matatandaan na isa si Roxas sa mga nakalaban ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2016 elections.
MOST READ
LATEST STORIES