BBM pinagkokomento ng SC sa petisyon ni VP Robredo sa ballot shading
Pinagkokomento ng Korte Suprema na siyang tumatayo bilang Presidential Electoral Tribunal (PET) si dating Sen. Bongbong Marcos sa motion for reconsideration na inihain ni Vice President Leni Robredo tungkol sa ballot shading threshold.
Matatandaang umapela si Robredo na ikonsidera ng PET ang 25 percent shading sa mga balota.
Sa resolusyong inilabas ng PET, pinasusumite si Marcos ng komento sa loob ng 10 araw matapos matanggap ang notice.
Noong April 10 ay inilabas ng PET ang kautusang nagsasabing ang mga botong bibilangin lamang ay ang mga balotang 50-percent shaded.
Gayunman, iginiit ni Robredo na noong pang September 2016 ay pinapayagan na ang 25 percent shading sa pagboto.
Ayon pa sa kampo ni Robredo mismong ang Commission on Elections (COMELEC) ang nag-set sa naturang percentage ng threshold.
Samantala, bukod kay Marcos, ay inutusan din ng PET ang Comelec na magsumite ng komento sa mosyon ni Robredo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.